Muling pagtataas ng buwis sa sigarilyo, ipinagpasalamat ng DOH

National News

NAGPAABOT ng kaniyang pasasalamat si Health Secretary Francisco Duque III sa pamunuan ng senado dahil sa hakbang nito na itaas pa ang buwis ng sigarilyo sa bansa.

Personal na ipinaabot ni duque ang pasasalamat at paghanga kay Senator Sherwin Gatchalian na pangunahing tagapagsulong ng Sin Tax sa senado.

Nauna nang sinabi ni Gatchalian na hindi ito titigil sa pagkalampag sa kapwa nito mambabatas na suportahan ang panukalang pagtataas sa buwis ng sigarilyo.

Ayon naman kay Duque, malaking tulong ang panukala para mabawasan na ang interes ng publiko sa sigarilyo na sadyang masama sa kalusugan ng mga gumagamit nito lalo na sa mga kabataan.

May natitira pang siyam na session days ang senado bago ito mag-recess at mag-resume naman sa Hulyo.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *