nanalong senador

Paghahanda sa posibleng proklamasyon ng mga nanalong senador ngayong araw, patuloy

National News

Inihahanda na ang forum 2 ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City sa posibleng proklamasyon ng mga nanalong senador ngayong araw.

Nakalatag na ang red carpet sa labas ng PICC at mahigpit na rin ang ipinatutupad na seguridad sa lugar.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), inaasahang magaganap ang proklamasyon ng labingdalawang (12) winning senators mamayang hapon o gabi.

Inaasahan naman na isagawa ang proklamasyon ng mga nanalong party-list groups bukas ng gabi.

Pinaghahanda rin ng COMELEC ang posibleng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng abiso ng Malakanyang na hindi dadalo ang pangulo sa proklamasyon.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng COMELEC na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ang natitirang Certificates of Canvass (COC) mula US at Saudi Arabia.

Base sa latest partial and official tally, pasok sa magic 12 sina reelectionist

  • Senator Cynthia Villar,
  • Grace Poe, Bong Go,
  • Pia Cayetano,
  • Ronald “Bato” Dela Rosa,
  • Sonny Angara,
  • Lito Lapid,
  • Imee Marcos,
  • Francis Tolentino,
  • Koko Pimentel,
  • Bong Revilla, at
  • Nancy Binay.

Habang nasa ika-13 at ika-14 na pwesto sina re-electionists  JV Ejercito at Bam Aquino.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *