Proklamasyon sa Senatoriables at Party-list, kanselado ngayong araw – Comelec

National News

DAHIL na anusyo ang proklamasyon ng mga nanalong Senatoriables at Party-list sa nagdaang midterm elections, ay idinaan nalang sa dry run ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang oras na nasayang.

Kakatapos lamang ng dry run ng poll body sa latag ng security measures sa araw ng proklamasyon.

Dadaan ang mga nanalo sa red carpet entourage na todo namang binabantayan ng mga security personnel.

Sa mga senador, maaring magdala ng 10 tao bilang entourage sa proclamation day habang limang personnel naman ang maaring bitbitin sa mga partylist.

Hihigpitan din ang screening stage bago makalapit sa mismong bukana ng PICC tents batay narin sa direktiba ng security in charge.

Nauna naman sinabi kanina ni Comelec Spokesman Director James Jimenez na posible ng malaman ang bagong schedule ng proclamation mamayang gabi.

Magugunita na noong nakaraang linggo pa inaabangan ang proklamasyon ng mga nanalo sa national positions sa nagdaang eleksyon.

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *