VP Robredo, hindi tinanggap ang resignation letter ni Sen. Pangilinan

National News

HINDI tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang pagbibitiw ni Senator Kiko Pangilinan bilang Pangulo ng Liberal Party (LP).

Sa isang statement na pinadala ng tagapagsalita ng bise presidente na si Atty. Barry Gutierrez sinabi nitong hindi tinatanggap ni Robredo ang resignation letter na pinadala nito dahil sa marami pang gawain na nakabinbin at kailangang tapusin.

Napag-alaman na kaya nagbitiw si Pangilinan bilang pangulo ng LP ay dahil sa nabigo itong maipanalo bilang campaign manager ang Otso Diretso sa katatapos lang na midterm elections.

Ang Otso Diretso ay ang senatoriable slate ng oposisyon.

Ulat ni: Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *