Paggunita ng Araw ng Kasarinlan ngayong araw, sinabayan ng kilos-protesta

National News

SINABAYAN ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo ang ika-121 Anibersaryo ngayong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sumugod ang grupo sa Roxas Boulevard sa Maynila kung saan iginiit ng mga ito pagpapalayas sa Amerika at China na naghihimasok sa bansa
tinawag rin ng mga ito na terorista ang goberyno ng Amerika, Tsina at Administrasyong Duterte.

Bahagya namang nagkaroong ng tensyon sa T.M. Kalaw Street matapos magpumilit ang mga raliyista na makalapit sa embahada ng Estados Unidos
mapaya pa namang nilisan ng mga demonstrador ang lugar matapos bigong masira ang barikada ng mga otoridad.

Sunod namang tinungo ng mga ito ang tanggapan ng Chinese Embassy sa Makati City.

Ulat ni: James Luis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *