Pangulong Rodrigo Duterte, pangungunahan ang paggunita ng Araw ng Kasarinlan sa Lanao De Sur

Regional

ALL set na ang inihandang seguridad ng militar sa Lanao De Sur para sa selebrasyon ng ika-121 Selebrasyon ng Araw ng Kasarinlan ngayong araw.

Ito ay para sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte para pangunahan ang selebrasyon mamayang 2:00 ng hapon sa Malabang, Lanao Del Sur.

Pangungunahan ng pangulo ang wreath laying ceremony sa harap ng monumento ng bayaning si Jose Abad Santos sa malabang ng nasabing lalawigan.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander Major General Cirilito Sobejana,pagkatapos ng seremonya ay magkakaroon ng flag raising ceremony sa loob ng kampo ng 6th Infantry Battalion Headquarters ng Philippine Army.

Magkakaroon rin ng talk to men ang pangulo sa mga sundalo sa Lanao Del Sur.
Si Jose Abad Santos ay pinatay ng Japanese forces dahil sa hindi nito pakikipag-cooperate sa mga plano laban sa bansa.

Ulat ni: Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *