Japanese F-35 Jet

Piloto ng bumagsak na Japanese F-35 Jet, patuloy pa ring hinahanap

Hindi pa din matiyak ang dahilan kung bakit bumagsak ang Japanese F-35 Jet matapos itong mawala sa radar habang nasa Pacific Ocean area. Ayon kay Defense Minister Takeshi Iwaya, nakolekta nila ang ilang bahagi ng jet fighter’s tail fin sa dagat, kaya’t pinaniniwalaan nila na ito ay bumagsak. Nawala ang Japanese F-35 noong Martes nang […]

Continue Reading
Kirstjen Nielsen

Kirstjen Nielsen, nagbitiw sa pwesto bilang kalihim ng US Dep’t of Homeland Security

Nagbitiw na sa pwesto bilang kalihim ng U.S. Homeland Security si Kirstjen Nielsen. Ito ay ilang araw matapos ang pagbisita ni US President Donald Trump sa kontrobersyal na southern border. Bagaman sinabi nito na isang karangalan na magsilbi sa naturang ahensya ay wala namang ibinigay na dahilan si Nielsen sa kanyang pag-alis. Hinala ng maraming […]

Continue Reading
turkey

Turkey, nanindigan na itutuloy ang pagbili ng anti-aircraft missile system sa Russia

Nanindigan ang Turkey na hindi nito ikakansela ang pagbili ng anti-aircraft missile system sa Russia. Ito ang iginiit ni Turkish Vice President Fuat Oktay sa kanyang twitter post kaugnay sa pagpapapili ni US Vice-President Mike Pence sa Turkey kung uunahin ang pagpapatibay sa alyansa sa North Atlantic Treaty Organization o makikipagsapalaran pa rin sa pagbili […]

Continue Reading
patuloy na paggamit nito ng puwersa sa Taiwan

Amerika, nagbabala sa China sa patuloy na paggamit nito ng puwersa sa Taiwan

Binalaan ng Amerika ang China laban sa patuloy na paggamit nito ng puwersa sa Taiwan. Ito ay matapos i-protesta ng Taiwan ang anila ay “reckless” at “provocative” na paglipad ng 2 Chinese fighter jets sa Median line ng Taiwan Strait sa kabila ng tacit agreement. Giit ni U.S. State Department Spokesman Robert Palladino, mariin nilang kinokondena […]

Continue Reading
inflatable playhouse sa China

2 katao, patay sa pagtangay ng malakas na hangin sa inflatable playhouse sa China

Dalawang bata na ang kumpirmadong patay habang 20 katao ang sugatan matapos tangayin ng malakas na hangin ang Inflatable Playhouse sa Central China. Kumalat na rin sa Chinese Social Media ang insidente na nangyari sa Henan Province na noon ay isang bata pa lamang ang malubhang nasugatan habang nagtamo ng minor injuries ang 17 iba pa. Tinawag […]

Continue Reading
President Donald Trump

U.S. President Donald Trump, hindi nakipagsabwatan sa Russia sa 2016 US elections

Hindi nakipag-sabwatan si U.S. President Donald Trump sa Russia sa kasagsagan ng 2016 elections sa Amerika. Batay ito sa resulta ng imbestigasyon ni U.S. Special Counsel Robert Mueller. Ayon kay Attorney General William Barr, walang sapat na ebidensya na magdidiin kay Trump at ilang kaalyado nito na nanghimasok sila noong halalan. Ang nasabing report ay […]

Continue Reading
tigris river sa iraq

94 katao, nasawi sa paglubog ng ferry sa Tigris River sa iraq

Umakyat na sa 94 katao ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng isang ferry sa Tigris River sa Iraq. Ayon sa Mosul Civil Defence Agency, karamihan sa mga nasawi ay mga kababaihan at kabataan na hindi gaanong marunong lumangoy habang nasa 55 ang nailigtas. Patungo sana ng UMM Rabaen Island ang nasabing ferry lulan […]

Continue Reading
chemical plant

12 katao patay sa pagsabog sa isang chemical plant sa China

Lumobo sa 12 katao ang patay sa pagsabog sa isang chemical plant sa Yancheng, Jiangsu Province. Mahigit 88 katao naman ang nailigtas sa insidente. Kabilang naman sa mga gusaling napinsala sa naturang pagsabog ang ilang mga pagawaan sa paligid nito, mga kabahayan at isang eskuwelahan. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng insidente. […]

Continue Reading
Day of mourning, idineklara sa Ethiopia

Day of mourning, idineklara sa Ethiopia matapos ang plane crash kaninang umaga

Day of mourning, idineklara sa Ethiopia matapos ang naganap na madugong pagbagsak ng eroplano na ikinasawi ng 157 katao. Hindi pa rin natatapos ang recovery operations ng mga otoridad sa crash site sa bayan ng Bishoftu kung saan 149 dito ay mga pasahero at walo ang crew ng eroplano. Binubuo ito ng 32 Kenyans, 18 […]

Continue Reading
trump-kim summit

Ikalawang Trump-Kim Summit, umarangkada na sa Vietnam

Nagsimula na ang dalawang araw na summit nina U.S President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un sa Hanoi, Vietnam. Bago ang kanilang social dinner sa Metropole Hotel sa Hanoi, nagkamayan, nagtawanan, at nag-usap saglit ang dalawang kontrobersyal na leader. Tiwala si Trump na magiging produktibo at matagumpay ang kanilang pulong ni Kim. Kabilang […]

Continue Reading