Balangiga Bells

Estados Unidos, planong ibalik sa Pilipinas ang Balangiga Bells

National News

Plano ng Estados Unidos na ibalik na sa Pilipinas ang Balangiga Bells na kinuha noong panahon ng Philippine-American War.

Ito ang kinumpirma ng US Embassy sa Maynila base umano sa naging pahayag ni US Secretary of Defense Jim Mattis.

Pero ayon sa embahada ng Amerika, wala pang itinakdang petsa para sa pagbabalik ng naturang mga kampana.

Matatandaan na sa kanyang sona noong 2017 ay iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng Balangiga Bells na kinuha ng mga Amerikano noong 1901 bilang ganti sa pagkamatay ng apatnapu’t walo nilang kawal sa kamay ng mga rebolusyonaryo.

Ayon sa Embahada, nasa warren air force base sa Wyoming ang dalawa sa mga kampana, habang ang isa ay naging bahagi naman ng travelling museum.

Handa na rin ang Malakanyang na makipagtulungan sa gobyerno ng Estados Unidos para maibalik sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *