Multa

Multa ng Xiamen Air, posibleng lumaki pa

National News

Posibleng lumaki pa ang halaga ng multa ng Xiamen Airlines dahil sa perwisyo dulot ng pagsadsad ng eroplano nito.

Sumadsad ang eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, umaabot na sa mahigit P33-M ang nakukwenta nila na maaaring singilin sa Xiamen.

Inalmahan nina Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento at 1Care Rep. Roman Uybarreta ang maliit na sinisingil na multa sa Xiamen.

Sa isinagawang imbestigasyon ito ng House Committee on Transportation.

Ayon kina Sarmiento at Uybarreta, halos trilyong piso ang economic loss ng bansa dahil sa insidente.

Kaya hindi sapat ang multang ipinapataw dito.

Pero ayon kay Monreal, handa silang taasan pa ang sinisingil sa Xiamen.

Kung bibigyan sila ng otorisasyon na ipataw dito pati ang iba pang economic loss.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *