Federalism Roadshow

Federalism Roadshow, aarangkada na

National News

Sisimulan na ang Federalism Roadshow ngayong buwan ng Hunyo.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Sinabi ni Malaya na tututukan ng kampanya ang mga kabataan dahil sila ang bukas sa pagbabago.

Nakatakdang magsagawa ng Federalism Roadshow ang DILG at Consultative Commission sa Dumaguete City.

Maglulunsad din ang DILG ng konsultasyon at dayalogo sa lahat ng rehiyon sa bansa sa susunod na mga buwan.

Inaasahang matatapos ng Con-Com ang kanilang rekomendasyon bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *