HIV-AIDS virus

ISIS na nagtuturok ng HIV-AIDS virus, fake news

Metro News

Pinabulaanan ng Philippine National Police ang kumakalat na balita partikular sa social media kaugnay sa mga gumagalang Islamic of State of Iraq and Syria (ISIS) na nagtuturok umano ng HIV-AIDS virus sa mga sibilyan.

Ito ay matapos kumalat ang chain message na nagmula pa umano sa intelligence na nakalap ng gobiyerno.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, pananakot lang at walang katotohanan ang naturang balita.

Isa umano sa paraan ng grupo  na magpakalat ng aids virus ay pipilitin ang mga sibilyan na magpakuha ng dugo para ma-check ang blood sugar gamit ang kontaminadong karayom.

Base sa beripikasyon sa Facebook, kumalat na rin sa ibang bansa ang nakakaalarmang mensaheng ito noong Marso na bahagi rin ng pag-atake ng isis terrorists.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *