iza calzado

Iza Calzado, binisita ang Marawi City

Showbiz

Ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado sa kanyang Instagram account ang pagbisita nito sa war-torn city ng Marawi.

Makikita sa kanyang ipino-post na larawan ang kanyang selfie kasama ng isang batang Maranao.

Ikinuwento ni Iza na personal niyang nakita ang malaking pinsalang tinamo ng lungsod dulot ng bakbakang teroristang Maute at militar sa lugar nakaraang taon.

Sabi pa ng aktres na may mga residente na nananatili pa sa temporary shelters hanggang ngayon.

Hindi aniya maisip kung anong kalbaryo ang nararanasan ng mga bata dulot ng limang buwang digmaan.

Naging kabahagi ang aktres sa I Am Marawi Women (IM WOMEN) project na isang post-rehabilitation initiative ng Spark Philippines, isang non-government organization, sa pakikipagtulungan na rin ng Australian Embassy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *