pot session

Babaeng PNP-SAF, arestado sa pot session

Metro News

Isang miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang inaresto matapos maaktuhang nakikipag-pot session sa Barangay Tuktukan, Taguig City.

Kinilala ang babaeng pulis na si PO3 Lyn Tubig, 38 anyos, kasama ang dalawang iba na nahuli sa pot session.

Si Tubig ay naka-aasign sa PNP-SAF Support Battalion sa Camp Bagong Diwa.

Bukod sa droga, inaalam din kung sangkot ang naarestong policewoman sa kaso ng holdapan.

Nakatakdang iharap si tubig kay PNP Chief Oscar Albayalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *