ellen adarna

Ellen Adarna, nagluluksa sa pagkamatay ng ama

Showbiz

Nagluluksa ngayon si Ellen Adarna at ang pamilya nito dahil sa agarang pagkamatay ng kanyang ama na si Alan Modesto Adarna.

Namatay sa cardiac arrest ang ama ni ellen noong Hunyo 2 at nakaburol ngayon ang labi nito sa Cosmopolitan Memorial Chapels sa Mandaue, Cebu.

Sa ngayon ay wala pang pahayag na inilabas si Ellen tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama.

Nagpahayag naman ng kalungkutan ang mga fans ni Ellen dahil hindi na masisilayan ng tatay nito ang isisilang na sanggol na inaasahan na ngayong buwan ng Hunyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *