rollback

Ilang kompanya ng langis, nagpatupad ng rollback

Metro News

Makaraan ang tatlong sunod na linggo nang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, nagpatupad ng oil price rollback ang ilang kompanya ng langis kahapon, Hunyo a-tres.

Piso at bente sentimos(P1.20) ang bawas presyo sa kada litro ng gasolina, habang piso (P1) sa kada litro ng kerosene at nubeta sentimos (P.90) naman sa kada litro ng diesel.

Kabilang sa nagpatupad ng rollback ang Pilipinas Shell, Petron at PTT Philippines.

Ang oil price rollback ay epekto sa patuloy na paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

E-vehicles, sagot pagsirit ng presyo ng oil products

Isinusulong ngayon ni 1-CARE Party List Rep. Carlos Roman Uybarreta ang paggamit ng electric vehicles (E-vehicle) na bahagi ng modernisasyon ng Administrasyong Duterte.

Ginawa ito ni Uybarreta, Vice Chairman ng House Committee on Energy at miyembro ng Committee on Transportation, dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Uybarreta na panahon na para magising sa katotohanan ang mga kumokontra sa electric vehicles.

Ayon kay Uybarreta, bukod sa hindi kailangan ng gasolina at krudo, makakatulong pa sa kalikasan ang paggamit ng e-vehicles.

Sa ilalim ng bagong Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay mas binibigyan ng ‘preferential tax treatment’ ang mga electric vehicles.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *