drug test

Mandatory drug test ng NCRPO sa mga tauhan, rerebyuhin

Metro News

Rerebisahin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang ipinatutupad na mandatory random drug test sa kanilang mga tauhan.

Kasunod ito ng pagkakaresto sa isang babaeng miyembro ng Special Action Force (SAF) sa isang pot session kasama ang dalawang iba pa.

Nais matiyak ni Eleazar na hindi nakokompromiso ang ‘drug test’ at malaman kung ‘drug clear’ ang kanilang hanay nila na dapat ay lumalaban sa iligal na droga.

Pinaalalahanan din ni Eleazar ang mga station commanders at unit commanders ng NCRPO ang kanilang responsibili­dad na tiyakin na ang kanilang mga tauhan ay hindi lumalabag sa batas na sinumpaan nilang ipatutupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *