benhur luy

Jinggoy, napagsabihan dahil sa pagmura kay Benhur Luy

National News

Napagsabihan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada matapos nitong murahin ang pork barrel scam star witness na si Benhur Luy.

Nangyari ito habang nagbibigay ng salaysay si Luy kaugnay sa kanyang nalalaman sa pagtanggap ng pera ng dating senador mula sa tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.

Agad namang humingi ng paumanhin si Estrada kay Division Chairman Associate Justice Rafael Lagos.

Matapos ang pagdinig, sinabi ni Estrada na minura niya si Luy dahil sa pagkainis sa mga alegasyon laban sa kanya na pawang kasinungalingan.

Si Estrada ay inireklamo ng Ombudsman ng kasong plunder at 11-counts ng graft na may kaugnayan sa pork barrel scam.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *