paras

Usec. Paras, may ebidensya laban kay Sen. Trillanes

National News

Nakahanda si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto Paras na maglatag ng ebidensya kaugnay sa kasong isinampa laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Maliban pa dito, inihayag ni Paras na may mga testigo rin siyang ipi-presenta sa ginawang pagbabanta ng senador.

Grave threats

Sinampahan ni Paras ng kasong grave threats si Trillanes sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Sa anim na pahinang reklamo na isinampa ni Paras, iginiit nito na pinagbantaan ito ng senador na “yayariin” siya nito kasunod ng paghahain nito ng reklamo laban dito.

“Kaya ako nagsampa ay para maprotektahan ako ng batas kasi impluwensyado siyang tao,  marami siyang koneksyon sa military, hindi natin alam na baka mamaya may mangyari sa akin at least I place on record na that’s he has threatened me and if something’s happen to me then he’s answerable for it. ” – Usec. Jacinto Paras, DOLE

Inirequest ng kampo ni Paras sa senado na makakuha ng kopya ng cctv footages noong magkrus ang landas nila ni Trillanes.

Magugunita na noong May 29 ay nagkrus ang landas ng dalawa sa Senado kung saan dinuro at binantaan umano ni Trillanes si Paras.

Matatandaan namang sinampahan ng kasong Inciting to Sedition ni Paras si Trillanes kasunod ng privilege speech nito kung saan hinikayat ang mga sundalo na barilin si Pangulong Duterte sa ulo dahil naman sa umano’y tagong yaman nito.

Samantala, iginiit pa ni Paras na dapat mapanagot si Trillanes hindi lamang dahil sa pagbabanta sa buhay nito kundi maging ang kabastusan na ipinapakita nito sa mga kapwa senador.

 

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *