pilipinas

Pilipinas, kabilang sa may mababang ranggo sa antas ng kapayapaan

National News

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may mababang ranggo pagdating sa antas ng kapayapaan sa buong mundo.

Batay sa 2018 Global Peace Index (GPI) report na isinagawa ng Institute of Economics and Peace, pang-isandaan tatlumpu’t pito (137) ang Pilipinas mula sa kabuuang 163 countries at nakakuha ng score na 2.512.

Halos tatlo mula sa lima ang nakuhang iskor ng Pilipinas pagdating sa pananaw sa kriminalidad, homicide, access to weapons, intensity at deaths of internal conflict, violent crimes, political terror at terrorism impact.

Nananatili namang pangalawa ang Pilipinas sa Least Peace Countries sa Asya kasama ang China, Thailand, Myanmar at North Korea.

Samantala, nanguna ang Iceland sa Most Peaceful Country sa buong mundo na may global score na 1.096 habang ang Syria ang Least Peace Country sa score na 3.6.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *