taumbayan

Taumbayan, hinikayat na bawasan ang paggamit ng plastic

National News

Hinikayat ni Senador Aquilino Koko Pimentel III ang mga taumbayan na bawasan ang paggamit ng plastic bilang paggunita sa World Oceans Day bukas, araw ng Biyernes.

Batay sa isang report, sobra sa kalahati ng walong milyung metrikong toneladang plastic na natatapon sa karagatan kada taon ay nanggagaling sa  mga bansang China, Indonesia, Thailand, Vietnam, at sa Pilipinas.

Sa isang press statement ipinunto ni Pimentel na sa patuloy na pag-unlad ng ating ekonomiya ay nadagdagdagan din ang ating tinatapon na basura araw-araw.

“Our economy’s strong performance has increased production and consumption. Unfortunately, it also increased the plastic waste we generate in the course of our daily activities. It’s time we consider how we can use plastic in a less destructive way.” – Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III

Dahil ditto, inirerekomenda ni Pimentel, Chairman ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, na ipagbawal ang paggamit ng single use plastic bags at gawing mandato na magiging biodegradable na ang lahat ng disposable plastics.

Kinokonsidera din ni Pimentel na limitahan na ang paggamit ng plastic sa lahat ng industriya at pagnenegosyo.  

Ulat ni:  Troy Gomez

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *