Cleveland Cavaliers, namemeligro

Sports

Cleveland Cavaliers namemeligro at Golden State Warriors isang panalo nalang para makuha ang kampeonato sa NBA.

Ito’y matapos na muling talunin ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa Game 3 ng kanilang Best of 7 series sa homecourt ng Cavs.

Nagawa pang makalamang ng mahigit sampung puntos ang Cavs sa unang bahagi ng laro, ngunit sa huli ay nanaig pa rin ang team efforts ng Warriors.

Nanguna sa Warriors si Kevin Durant sa kanyang 43 puntos at 13 rebounds.

Nag-ambag naman ng 11 points si Stephen Curry at tig-10 points sina Draymon Green, Klay Thompson, Javale McGee, at Jordan Bell.

Nakapaglaro namang muli si Andre Iguodala na nakakuha ng 8 points.

Kumamada ng husto para sa Cavs ay si Lebron James na nakakupo ng 33 points.

Nag-ambag naman ng 20 points si Kevin Love at 15 points si Rodney Hood.

Muling magtutuos ang dalawang koponan sa Game 4 ng NBA Finals sa darating na sabado sa homecourt ng Cavs.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *