Pinasisibak ang Pinuno ng emergency response agency ng Guatemala

International News

Pinasisibak ng mga taga-oposisyon ng gobyerno ang pinuno ng emergency response agency ng Guatemala.

Ayon kay senior opposition figure Mario Taracena, bigo ang Coordination for Disaster Reduction (CONRED) na dinggin ang maagang babala kaugnay ng mapaminsalang pagsabog ng bulkang Fuego.

Sinabi nito na dapat mag-imbestiga ang pamahalaan ng Guatemala kung may criminal negligence sa parte ng CONRED.

Samantala, umakyat na sa siyamnapu’t siyam katao ang nasawi sa pagsabog ng bulkan.

Kinumpirma ito ng National Institute of Forensic Sciences ng Guatemala.

Nasa dalawampu’t walo naman mula sa kabuuang bangkay na narekober sa mga napinsalang lugar ng pagputok ng bulkan ang nakilala na.

Habang isinasailalim pa sa dna testing at iba pang pamamaraan ang iba pang bangkay para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang pagbuga ng volcanic materials ng bulak at sinabayan ng pag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *