bagyong domeng

Mahigit P1.3-M, ipinagkaloob sa mga naapektuhan ng Bagyong Domeng

National News

Umaabot sa 1.353 milyong piso (P1.353-M) ang halaga ng tulong na ipinamahagi ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Domeng.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque mahigit labing apat na libong pamilya (14, 096) ang apektado ng naturang bagyo.

Dagdag pa ni Roque,  walumpu’t isang kabahayan naman ang nasira dulot ng Bagyong Domeng.

Kaugnay nito, inihayag naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas na humupa na ang baha sa 43 barangay sa National Capital Region at CALABARZON.

Wala na ring naiulat na kailangan pang ilikas ang mga reisdente sa gitna ng nararanasang pag-ulan.

 

Bilang ng mga apektadong flights,  nadagdagan pa dahil sa sama ng panahon 

 

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kinanselang  domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA)  Media Affairs Division Office umabot na sa apat ang kabuaang bilang ng mga naapektuhang flights sa paliparan, kabilang na dito ang biyaheng Manila-Basco, pabalik.

Partikular na naapektuhan ang Cebgo Flight dg 6009, Flight DG 6010, Skyjet Flight M8 818 at Flight M8 819

Tuloy –tuloy pa rin ang pagmomonitor ng MIAA sa posibleng pagdagdag ng mga maapektuhang flight.

Kahapon ay apat ang naitalang apektadong biyahe sa NAIA dulot pa rin sa sama ng panahon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *