mabaril

Sen. Trillanes, posibleng mabaril dahil sa pagiging mayabang

National News

Dahil daw sa pagiging mayabang at arogante, posibleng maging mitsa umano ito para mabaril si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang event na kanyang dinaluhan sa Cebu City.

Sinabi ng pangulo na masyado uma­nong tiwala si Trillanes dahil sa pagiging  miyembro nito minsan ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa pangulo, wala nang maniniwala kay Trillanes na naging bahagi ng Magdalo Group na sangkot sa 2003 Oakwood Mutiny at nakulong pero binigyan ng pardon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Samantala, nanindigan naman si Trillanes na patuloy niyang lalabanan ang mga tiwali, corrupt, mapang-api at abusado tulad umano ni Duterte.

Iginiit ni Trillanes na kapag may bumaril sa kanya ay si Duterte lamang umano ang utak nito.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *