roller coaster

6 katao, nasaktan sa pagkadiskaril ng roller coaster car sa Florida, USA

International News

Alas 8:30, Huwebes, oras sa Amerika, ng magkaroon ng ride malfunction ang roller coaster ng isang theme park sa Daytona Beach, Florida sa Estados Unidos.

Sinasabing 6 na katao ang nasaktan sa naturang aksidente matapos madiskaril ang 3 roller coaster cars.

Ayon sa Daytona Beach Fire Department, 2 pasahero ng nadiskaril na roller coaster car ang tumilapon at nahulog sa taas na 34 na talampakan.

Mayroong 2 iba pang mga pasahero ang nakabitin matapos ang pangyayari na agad namang natulungan ng mga romespondeng rescuers gamit ang tower truck.

4 pa na mga pasahero ang na-stranded ang natulungang maibaba ng mga rescuers.

Inaalam pa ang dahilan ng aksidente.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *