barry manilow

Barry Manilow, dinala sa pagamutan

Showbiz

Dinala sa pagamutan ang Grammy, Tony at Emmy award-winning singer na si Barry Manilow dahil sa bronchial infection.

Dahil dito kanselado na ang nakatakdang sold out show nito sa Westgate sa Las Vegas Nevada .

Sa inilabas na statement ni Manilow sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, closely monitored na ito ng kanyang mga doktor at inaasahang makakalabas sa mga susunod na araw at agad makakarecover.

Sa June 21 inaasahang makakabalik si manilow sa entablado at itutuloy ang naunsyaming show sa Westgate.

Maaari namang marefund o mapalitan ang ticket, ng mga nakabiling fans, for future show ni Manilow.

Si Manilow ang nagpasikat sa kanyang mga kantang “Mandy”, “Can’t Smile” “Without You”, at “Copacabana.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *