e-payment

DFA, pinasinayaan ang e-Payment Portal

National News

Pormal na pinasinayaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang e-Payment Portal na bahagi ng online appointment system para sa mga aplikante ng pasaporte.

Ang lahat ng magre-renew at mag-aaplay ng Philippine e-passport ay magbabayad muna ng passport processing fees gamit ang DFA e-Payment Portal upang makakuha ng slot sa online appointment system.

Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang pagpapasinaya sa e-Payment Portal na isinagawa sa Market, Market, Taguig City.

Ang e-Payment Portal ay maaring gawin sa mga piling payment centers sa buong bansa gaya sa Bayad Center, ecPay, Pera Hub, Robinson Business Center, Waltermart Departmentt Store, 7/11, USCC o Western Union at Villarica Pawnshop.

Maaari ring magbayad gamit ng credit cards o ang over the counter cash payment sa bangko.

Nagsimula na ang e-Payment Portal sa DFA ASEANA nitong Hunyo at sisimulan sa buong Kamaynilaan sa unang linggo ng Hulyo at ipatutupad nationwide sa unang linggo ng Agosto 2018.

Ayon kay Cayetano, ang passport e-Payment
Portal ang long term solusyon para sa tumataas na bilang ng mga  passport applicant sa bansa.

Samantala, para malaman kung paano gamitin ang DFA e-Payment Portal bisitahin lamang ang www.passport.gov.ph/.

Magbabayad ang aplikante ng halagang P1, 200.00 para sa expedited processing, P950.00 sa regular processing, at karagadagang P50.00 convenience fee na babayan sa mga authorized payment centers.

Ulat ni: Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *