potholes

Motorista, pinag-iingat sa mga potholes sa lansangan

Metro News

Bilang bahagi ng pagbibigay ng serbisyo publiko, nagbigay abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan ang mga potholes sa mga pangunahing kalsada partikular na sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, isa sa mga nagiging dahilan ng aksidente sa lansangan lalo na ngayong tag-ulan ang iba’t ibang hugis at laki ng mga potholes.

Ayon kay Garcia, “May mga naitala nang aksidente ng motorsiklo dahil sa paglubog sa mga potholes na ito EDSA. Mag-ingat po tayo lalo na sa mga maliliit ang gulong, sa mga riders, dumaan tayo sa motorycle lane.”

Sa isinagawang inspeksyon, kabilang sa mga lugar na may mga potholes ang Guadalupe, Shaw Boulevard (Southbound), Ayala, Arnaiz, at Cubao (North at Southbound)

Kaugnay nito, sinabi ni Garcia, na nakikipag-ugnayan na sila sa DPWH para maisaayos ang mga sira-sirang kalsada.

Ayon pa sa kanya, “kausap ko si DPWH Undersecretary Robert Bernardo at sinabi nyang gagawin na nila ito.”

Naglagay naman ang MMDA ng mga barriers para hindi madaanan ang mga potholes maliban sa mga lugar na masisikip ang mga lanes.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *