pacquiao

Pacquiao, pasok sa World’s Most Famous Athletes ng ESPN Magazine

Sports

Pasok sa top 63 si Senador Manny Pacquiao sa listahan sa World’s 100 Most famous athlete ng ESPN magazine ngayong taon.

Nakuha ni Portuguese footballer Cristiano Ronaldo ang top spot ngMost famous athlete.

Ito na ang ikatlong sunod-sunod na taon na napili ang sikat na football player bilang pinaka-kilalang atleta sa buong mundo ng ESPN Magazine.

Pumapangalawa naman si Cleveland Cavaliers player Lebron James na sinundan ng mga sikat na football players na si Lionel Messi, at Neymar.

Panglima naman ang tennis player na si Roger Federer, pang-anim si Tiger Woods, pang pito si NBA Finals MVP Kevin Durant, pang walo ang tennis player din na si Rafael Nadal.

Nasa top 9 naman si 2 time NBA MVP Stephen Curry at pang 10 ang golfer na si Phil Mickelson.

Ibinase ang ranking ng ESPN Magazine sa social media following, endorsement deals at search score ng bawat atleta.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *