nigeria

31 patay, sa suicide bombing at grenade attack sa Nigeria

International News

Patay ang 31 katao habang maraming iba pa ang nagsugatan sa naganap na twin suicide bomb at rocket-propelled grenades sa bayan ng Damboa, Borno, Nigeria.

Pinaghinalaan ng lokal na pulisya na responsable sa pag-atake ang Boko Haram Jihadists.

Target ng dalawang suicide bomber ang mga taong nagdaos ng selebrasyon ng holiday kung saan 6 katao ang nasawi.

Ilang minuto matapos ang suicide bombing ay pinapaputukan ng Jihadists ng rocket-propelled grenades ang pulutong ng mga taong nagtitipon sa lugar ng pag-atake bunsod upang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.

Ngunit ayon sa mga otoridad, maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil may mga matinding nasugatan sa naturang pag-atake na maaaring hindi makaligtas.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *