ginebra

Ginebra, tinalo ang Magnolia sa PBA Commissioner’s Cup

Sports

Tinalo ng Barangay Ginebra Gin Kings ang Magnolia Hotshots sa kanilang tapatan para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa iskor na 104-94 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Naging dahilan ito upang umangat ang Gin Kings sa standings ng torneo sa ika-siyam na puwesto na may 3-5 win-loss record.

Samantala bumaba sa ikaanim na puwesto ang Hotshots na mayroong 4-5 win-loss rekord.

Nanguna si Justin Brownlee para sa panalo ng ginebra sa iskor na 35 points, 8 rebounds at 4 assists habang nagdagdag naman si LA Tenorio ng 22-points, 6 rebounds at 5 assists.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *