federalismo

Federalismo, isinusulong ni Duterte

National News

Panahon na upang mag move-on ang Pilipinas sa Unitary Form of Government tungo sa Federalismo na matagal nang nais maipatupad sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte ang pinakamahusay na Federalism ay ang pagkakaroon ng pangulo na siyang natatanging elected na national official ng bansa.

Nilinaw ni Duterte na wala itong balak na palawigin ang kaniyang posisyon bilang pangulo ng bansa.

Sa katunayan gusto ng pangulo na bumoto ng pangulong papalit sa kanya sa panahon ng transition period ng pagpapalit ng form of government ng bansa.

Gagawa ng pinal na desisyon ang pangulo kaugnay dito pagkatapos maisumite ng binuo nitong Consultative Committee na siyang nakatutok sa pag amyenda ng saligang batas na siyang magbibigay daan sa pagpapalit ng Federal Form of Government.

Inaasahang isusumite ng Consultative Committee ang kanilang report sa pangulo bago ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ngayong Hulyo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *