Free college education

Free college education na apektado sa suspension ng TRAIN Law, binatikos ni Sen. Bam

National News

Binatikos ni Senador Bam Aquino ang pahayag ng gobyerno na maaapektuhan ang free college education kapag sinuspinde ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Apela ni Aquino sa gobyerno na huwag gawing dahilan ang libreng edukasyon sa kolehiyo sa isyu ng TRAIN Law.

Ayon kay Aquino, may sapat na pondo ang pamahalaan para sa implementasyon ng libreng edukasyon sa kolehiyo, kahit mawala pa ang inaasahang pitumpung bilyong piso rollback sa excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law.

Paalala ni Aquino sa gobyerno na ang budget para sa libreng edukasyon sa kolehiyo ay nasa P41-B ngayong 2018.

Gayunman, nilinaw ng senador na hindi nagpapabaya si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *