vietnam

Inangkat na bigas mula Vietnam at Thailand, hindi pa naibababa

National News

Nilinaw ng Malakanyang ang unang pahayag nito na nasa merkado na ang 250 metric tons na bigas na inangkat ng pamahalaan mula Vietnam at Thailand.

Ito ay ayon sa paglilinaw na natanggap mismo ng Palasyo mula sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa Subic pa ang mga bigas at hindi pa ito naibababa dahil sa masamang panahon na naranasan ng bansa nitong nakaraang araw.

Nagpaliwanag naman si Roque sa pahayag nito na nasa 36-38 pesos kada kilo ang presyo ng NFA rice sa merkado.

Ang presyo aniya ay ang kasalukuyang bentahan ng commercial rice sa merkado.

Kapag nakapasok na sa merkado ang bagong dating na suplay ng bigas ng NFA ay ibebenta nila ng nasa P27 hanggang P32 pesos kada kilo.

Magugunitang tumaas ang presyo ng commercial rice sa merkado kasunod ng pagnipis ng suplay ng bigas ng NFA nitong unang quarter ng taon.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *