zambales

Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Zambales

Regional

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Zambales dakong 5:46 ng hapon kahapon, June 17.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang pagyanig limampu’t pitong kilometro southwest sa bayan ng San Felipe.

Sinabi ng PHIVOLCS na tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na labing walong kilometro.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Cainta Rizal habang Intensity 2 naman sa Quezon City.

Wala namang naiulat na nasaktan at napinsala ang naturang pagyanig.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *