osaka japan

Osaka Japan, niyang ng magnitude 6.1 na lindol

International News

3 katao ang patay habang 8 iba pa ang sugatan sa magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Osaka Japan.

Kabilang sa nasawi ang 2 lalaki at 9 na taong gulang na batang babae matapos mabagsakan ng mga gumuhong istraktura sa Osaka Prefecture.

Posible pang madagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil marami ang na-trap sa mga gusali at iba pang establisyemento.

Patuloy pa rin ang search and rescue operation sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol.

Wala namang banta ng tsunami kasunod ng malakas na lindol at inaalam pa ang halaga ng pinsala ng pagyanig.

Ayon sa Kansai Electric Power Company, walang naiulat na abnormalidad sa Takahama, at Ohi Nuclear Plant sa Central Japan Dahil sa pagtama ng lindol.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *