abu dar

5 miyembro ng Maute-ISIS, patay sa military operation sa Lanao del Sur

Regional

Patay ang limang miyembro ng Maute-ISIS sa bakbakan sa pagitan ng militar sa Tubaran at Pagayawan, Lanao del Sur.

Ito ay matapos maglunsad ng airstrike at ground assault ang militar laban sa grupo na pinamumunuan ni Abu Dar na isa sa mga umatake sa Marawi noong nakaraang taon.

Ayon kay Joint Task Group Ranao Deputy Commander Colonel Romeo Brawner, hinahanap ngayon ng militar ang limang bangkay habang patuloy naman ang pagtugis sa mga nakatakas na rebelde.

Hindi naman matukoy ni Brawner kung mayroong hawak na mga sugatan ang grupo ni Abu Dar sa kanilang pagtakas.

Tiniyak naman ni Brawner na walang casualty mula sa panig ng pamahalaan.

Sinabi ni ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong na umakyat na sa higit 1,300 na pamilya ang lumikas dahil bakbakan.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *