China Cojuangco

China Cojuangco, inireklamo ang cyberthreat sa kanyang anak

Showbiz

Nanawagan si China Cojuangco sa pamunuan ng Instagram dahil sa diumano’y pagbabanta ng isang netizen sa 4-year-old na anak nito.

Nag-post si China ng mga screen grabs na ipinakita ang isang IG user na may user name na @angeliarbuis na nagbabanta na dukutin ang anak nito.

Sa comment ng netizen sa IG story na ipinopost ni China sa kanyang anak ay nagsaad na gusto nitong makaganti sa Cojuangco kaya nais nitong isilid ang anak ni china sa sako at itapon sa ilog

Say ni China nababahala siya dahil idinamay ng netizen ang kanyang inosenteng anak.

Naniniwala si China na isa itong banta at cyber bullying na umaasa na mabigyan ng aksyon ng Instagram.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *