asian games

Mga players sa Gilas team na lalaban sa 2018 Asian games, pinangalanan na

Sports

Inanunsyo na ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes ang pangalan ng mga manlalarong bubuo sa Philippine Men’s basketball team sa darating na 2018 Asian Games.

Si Reyes ang magiging trainer ng koponan.

Ayon kay Reyes, kabilang sa 12-man line up sina Jayson Castro, Terrence Romeo, Andray Blatche, Roger Pogoy, Jericho Cruz, Don Trollano, Anthony Semerad, Troy Rosario at Kelly Williams.

Kasama rin ang mga Gilas cadets na sina Ricci Rivero, Kobe Paras at Abu Tratter.

 Matatandaan na nagtapos sa ikapitong puwesto ang bansa noong 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Huling nakapag-uwi ng gintong medalya ang Pilipinas sa larangan ng basketball noon pang 1962.

Gaganapin ang Asian Games mula Agosto a-18 hanggang Setyembre a-2 sa bansang Indonesia.

 

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *