pagpapatalsik

Pagpapatalsik kay Sereno, pinal na

National News

Pinal ng dinisisyunan ng Korte Suprema ang usapin ng pagpapatalsik kay Atty. Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.

Ito’y matapos ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ni Sereno na kumukwestyon sa naging desisyon ng Supreme Court en Banc noong may 11 na nagdeklarang constitutional o naayon sa batas ang quo warranto petition ng Office of the Solicitor General laban kay Sereno sa botong 8-6.

Nakasaad sa 25 pahinang draft resolution na isinulat ni Supreme Court Asso. Justice Noel Tijam na pinal na nitong ibinasura ang MR ni Sereno dahil sa kawalan ng merito.

Iniutos din nito na agad itala sa entry of judgement ang nasabing kautusan at wala ng itong tatanggapin na anumang apela o mosyon na may kaugnayan sa naturang kaso, dahil nakasaad sa desisyon na with finality ang kanilang desisyon

Sa kasaysayan ng Korte suprema, si Sereno ang kauna-unahang babaeng nahirang na chief justice pero siya rin ang kauna-unahang napatalsik sa pwesto.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *