war games

US-South Korea war games sa Agosto, kanselado na

International News

Kinansela na ng Estados Unidos at South Korea ang nakatakda sanang joint military exercise ng dalawang bansa sa Agosto.

Sa pahayag ni Dana White, tagapagsalita ng Pentagon, suspendido ang nakalatag na war games ng US sa South Korea na tinaguriang Operation Ulchi Freedom Guardian, kasunod na rin ng naging pahayag kamakailan ni Pres. Donald Trump na ititigil na ang mga war games dahil sa magastos ito at tila provocative action laban sa North Korea.

Halos ganito rin ang inilabas na statement ng South Korean Defense Ministry.

Nakatakda namang magpulong ang Secretary of Defense, Secretary of State at National Security Advisor ng Estados Unidos sa Pentagon ngayong linggo hinggil sa naturang isyu.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *