separation policy

Family separation policy ni Trump, kinondena

International News

Hindi sinang-ayunan ng ilang business leaders ang naging desisyon ng administrasyon ni US President Donald Trump tungkol sa separation policy sa Amerika.

Sa naturang polisiya, planong paghiwalayin ang magulang at anak ng mga illegal migrant.

Sa pahayag ni Facebook Founder, Mark Zuckerberg sa kanyang post na kailangan nang itigil ang naturang polisiyang.

Kasabay nito, hinikayat ni Zuckerberg ang publiko na tularan ang kanyang ibinibigay na tulong sa mga pamilyang iligal na pumapasok sa Estados Unidos.

Ayon kay Zuckerberg, “We need to stop this policy right now.”

“I was donating money to groups that help immigrant families get legal advice and translation services at the border. I asked others to do the same,”dagdag pa ni Zuckerberg.

Sa Tweet naman ni Google CEO Sundar Pichai na nakababahala ang iba’t-ibang mga balita at istorya ukol sa family separation.

Ayon kay Pichai,“The stories and images about family separation were gut-wrenching.”

Para naman kay Apple CEO, Tim Cook, hindi makatao ang naturang polisiya at dapat itong matigil agad.

Ayon kay Cook, “The policy is inhumane. It needs to stop.”

Tinawag naman ng AIRBNB na imoral, walang puso, marahas, at hindi alinsunod sa kultura ng amerika ang naturang polisiya.

Ayon sa  founders ng Airbnb,  “Separating kids from their families is heartless, cruel, immoral and counter to the American values of belonging.”

Ang kolektibong pahayag ng mga business leaders ay nagpalakas sa panawagang pagpapatigil sa isinususulong na polisiya.

Una nang nagbigay ng pahayag ang Microsoft sa naturang usapin.

Iginiit ng microsoft na hindi na sila makikipag-tie-up pa sa kahit anong trabahong nag-uugnay sa isyu ng separation policy.

Matatandaang ang Microsoft ay may cloud computing contract sa U.S. immigration at customs enforcement.

 

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *