marc pingris

Gilas Pilipinas, malaking bahagi ng buhay ni Marc Pingris

Sports

Ibinahagi ng dating manlalaro na si Marc Pingris ang naging pagdalaw nito sa ensayo ng national sa basketball team, Gilas Pilipinas noong Lunes, June 18, sa Meralco Gym.

Bagama’t hati ang kanyang oras sa pamilya at pagbabasketball ay maaga itong dumating sa gym upang mapanood ang training ng kanyang dating teammates at makita ang kanilang coach na si Chot Reyes.

Ayon sa tinaguriang Pinoy Sakuragi, bagama’t hindi ito makakasama sa laban ng koponan sa ibang bansa ay hindi  nawawala ang kanyang koneksyon sa koponan na nabuo noong 2013 at mananatili parte ng kanyang buhay ang Gilas.

Ayon kay Pingris, “Even when they’re competing out of the country, we keep in touch. The bond that we formed back in 2013 is something that will never be broken. Gilas will always be a part of my life.”

Isang grupo, Isang pamilya

Binalikan ni Pingris kung paano siya nag-tryout at buong pusong tinanggap ng mga beteranong basketbolista na sina Jimmy Alapag at Ranidel de Ocampo

Inalala ni Pingris ang naging training camp nila sa Lithuania na kung saan unang nabuo ang kanilang samahan hindi lang bilang magkakagrupo kundi bilang isang pamilya.

 Dagdag pa ni Marc, “It doesn’t matter if you’re new or you’ve been here for the longest time, everyone is treated the same.”

Sinabi naman ni Pingris na malaki ang kanyang kumpiyansa para sa team na hindi lang maglalaro ng buong lakas ngunit buong puso.

Heto naman ang naging payo ng basketbolista sa kanyang teammate.

Matatandaang si Pingris ang nagpauso ng salitang puso na kinatawan at pinakita na din ng buong Gilas Team sa kanilang paglalaro.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *