bus terminal

Ilang bus terminal, ipinasara dahil sa paglabag sa “Nose In, Nose Out” policy

Metro News

Umabot sa limang bus terminal ang ipinasara ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority  (MMDA) kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory  Board (LTFRB) dahil sa ilang paglabag sa “Nose In, Nose Out” policy.

Karamihan sa mga nasita ng mga otoridad ang kawalan ng maayos na pasilidad gaya ng cr, upuan at ticketing booth at maluwag na espasyo para sa pagmaniobra ng kanilang mga pampasaherong bus.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, matagal ng nakikipag-ugnayan ang kaniyang ahensiya sa lahat ng LGU sa Metro Manila pero bigo pa rin anila ito sa pagtalima sa kautusan.

Isa sa limang ipinasara ng MMDA ang St. Jude Penafrancia bus na maliban sa paglabag sa “Nose In Nose Out” policy, kulang din ang pasilidad nito.

Napansin din ang pagpapabayad sa mga pasahero sa paggamit ng cr na ipinagbabawal naman ng LTFRB.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, hindi puwedeng pagbayarin ang mga pasahero ng alinmang bus terminal dahil bahagi aniya ito ng serbisyo ng terminal.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang pamunuan ng MMDA at LTFRB sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Pasay dahil sa ilang anomalya na nakita sa nasabing operasyon gaya ng mga pasong business permit ng ilang bus terminal ngunit patuloy pa rin sa kanilng operasyon.

Samantala, ilan sa mga bus terminal na ipinasara ngayong araw ay ang sumusunod:

  • Victoria
  • Jude Penafrancia
  • Arandia
  • Bobis
  • RMB

Habang binigyan naman ng Notice of Compliance within 72 hours ang mga sumusunod na terminal ng bus dahil sa iba pang paglabag.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *