jbc

JBC, sisimulan na ang pagpili ng bagong chief justice

National News

Sisimulan na ng Judical and Bar Council (JBC) ang pagpili  sa bagong chief justice ng Supreme Court (SC).

Ito’y matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang naunang desis­yon na nagpapatalsik kay Sereno bilang chief justice.

Maaari nang simulan ng JBC ang selection process para sa papalit kay Sereno gayundin kina Associate Justices Teresita de Castro at Presbitero Velasco na magreretiro na sa kanilang mga puwesto.

Bukod sa SC, mamimili na rin sila ng mga aplikante mula sa mga posisyon sa Ombudsman.

 

Adoption ng senate resolution vs desisyon ng Korte Suprema kay Sereno, hindi na itutuloy

 

Hindi na itutuloy ni Senador Franklin Drilon at kanyang mga kasamahan ang adoption ng Senate resolution laban sa desisyon ng Korte Suprema.

Ito’y matapos pagtibayin ng kataas-taasang hukuman ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Drilon na hindi siya nagulat sa desisyon kasabay ng pagsasabing wala namang masama sa pagsang-ayon o pagtutol sa posisyon ng korte sa quo warranto o sa anumang kaso.

Paliwanag ng senador, kapag lumabas ang desisyon ay maari itong kwestyunin at batikusin ng sinuman kaya’t mayroong pag-aaral sa mga desisyon ng Korte Suprema.

Labing apat na senador ang pumirma sa adoption ng senate resolution laban sa desisyon ng Korte Suprema.

 

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *