philippine army

Philippine Army, bibili ng P2.6-B halaga ng mga bala ngayong taon

National News

Upang mapalakas pa ang kapabilidad kontra terorismo at iba pang banta sa pambansang seguridad, nakatakdang bumili ang Philippine Army ng P2.6 bilyong halaga ng high explosives o malalakas na kalibre ng mga bala.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Louie Villanueva, ang hakbang ay bahagi ng modernization program ng Hukbong Katihan ng bansa.

Kabilang sa mga bibilhing bala ay 60 mm, 81 mm pati na rin ang iba pang uri ng mga bala na gamit ng tropa ng Philippine Army.

Noong nakalipas na taon, maraming mga bala ang ginamit ng Philippine Army sa Marawi City siege na nagumpisa noong May 23 at tumagal ng limang buwan bago tuluyang napalaya sa terorismo ang lungsod laban sa Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Aminado naman ang opisyal na maraming nagamit na naubos sa kanilang supply sa Marawi City siege mula sa iba’t ibang kalibre ng mga armas na kailangang mapalitan.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *