dismayado

VP Robredo, dismayado sa pagpapatalsik kay ex-CJ Sereno

National News

Dismayado si Vice President Leni Robredo matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyong pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Robredo, ”Hinihikayat ko ang bawat isa na patuloy na bantayan ang anumang paglabag sa ating Saligang Batas at sa mga karapatang-pantao na pinangangalagaan nito.”

Kaugnay nito, hinikayat ni Robredo ang publiko na bantayan ang anumang paglabag sa Saligang Batas gaya ng paggamit sa quo warranto petition na kumuwestyon sa appointment ni Sereno.

“Simula pa lamang ito ng mas malalaki pang laban na ating haharapin para sa demokrasya at sa taumbayan na ipinangako nating pagsisilbihan.”

 Naniniwala ang bise presidente na pag-atake sa demokrasya ang resulta sa botohan ng high tribunal sa motion for reconsideration ni Sereno.

“Sa patuloy na pag-alala natin tayo humugot ng lakas para ipagpatuloy ang ating laban.”

Umaasa si Sereno na paghugutan ng mga Pilipino ang naturang desisyon para ipagpatuloy ang laban kontra mga hakbang na labag sa batas.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *