maruming istasyon

6 na pulis, sinibak dahil sa maruming istasyon

Metro News

Sinibak sa pwesto ang anim na pulis dahil sa maruming istasyon at pag-abandona sa kanilang puwesto.

Kabilang sa sinibak sa posisyon ang dalawang Police Station Commander ng Caloocan City Police dahil sa madumi ang istasyon at kapwa hindi nakasuot ng uniporme sa surprise inspection ni Nothern Police District Director Chief Superintendent Gregorio Lim.

Agad na tinanggal ni Lim sa pwesto sina Police Community Precinct 7 Commander Police Senior Inspector Rommel Ebarle at PCP 1 Commander Police Senior Inspector Cesar Binucal.

Samantala, sinibak din sa pwesto ni Eastern Police District (EPD) Director chief Supt. Alfred Corpus ang apat na pulis na nag-abandona sa kanilang pwesto at nahuling gumagamit ng cellphone habang naka-duty.

Ipinag-utos ni Corpus ang pag-relieved sa puwesto kina PO1 Dave Vacunawa at PO1 Antonio Mendoza na nagse-cellphone habang naka-duty.

Habang nag-abandona naman sa kanilang puwesto sina P01 Aquilino Batoy, Jr. at P01 Arnel Eleuterio.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *