tourism

Iba’t-ibang problema ng Tourism industry, tinutugunan ng bagong pamunuan

National News

Isa-isa nang inaaksyunan ng bagong pamunuan ng Department of Tourism (DOT) ang iba’t-ibang isyu na kinahaharap ng Tourism industry.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na importanteng matugunan ang mga kasalukuyang suliranin para makapanghikayat pa ng maraming turista sa bansa.

Unang-una rito ang paliparan kung saan inihayag ni Puyat ang posibilidad na paglalagay ng libreng wifi at dagdag cctv’s.

Isa namang reklamong natanggap ng DOT ay ang report kaugnay sa umano’y pangha-harass ng Customs officials sa mga turista maging ang mahabang pila ng mga ito sa Immigration.

Ayon kay Sec. Puyat, “And immediately he called me up, Commissioner Sid Lapeña, very pro-active. I reported some complaints about our Chinese tourists and he act on it immediately. And even as we speak he is adding small cctvs because some Chinese tourists were complaining that their money was being extorted.”

Maliban dito, importante rin na mayroong maayos na medical care ang lahat ng tourist spots.

Nakipag-ugnayan na si Puyat sa kinauukulang ahensya gaya ng Department of Health (DOH), Bureau of Customs (BOC) maging sa Tourism Congress,  private stakeholders at ilang airline companies at ambassadors para mapakinggan ang kanilang panig.

Ito’y upang malaman na rin ang nararapat gawin para sa ikalalago ng Tourism industry ng bansa.

Nangunguna sa maraming bilang na mga turista sa bansa ay ang Korean at pumapangalawa naman ang Chinese nationals.

 

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *