miyembro

Miyembro ng JBC, mananagot sa isyu ng kwalipikasyon ni Sereno

National News

Dapat makasuhan ang miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) kung hindi pala kwalipikado si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang iginiit ni Atty. Lorenzo ‘Erin’ Tañada, Vice President for External Affairs ng Liberal Party at dating House Deputy Speaker sa panayam ng SMNI sa programang Usaping Bayan.

Punto ni Tañada, trabaho ng JBC na tiyaking kwalipikado ang mga pinagpipiliang nominado para maging chief justice bago ito isumite sa pangulo.

Samantala, binigyang-diin ni Tañada na hindi naaayon sa Saligang Batas ang desisyon ng Korte Suprema.

Matatandaang, naglabas na ng pinal na desisyon ang Kataas-taasang Hukuman kaugnay sa pagbasura ng inihaing mosyon ng dating Punong Mahistrado.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *